Kahit may gun ban PNP kinastigo sa sunud-sunod na barilan
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng oposisyon sa Kamara ang Philippine National Police (PNP) dahil sa sunod-sunod na insiÂdente ng pamamaril habang nasa kalagitnaan ng gun ban para sa 2013 elections.
Ayon kay House Minority leader Danilo SuaÂrez at Deputy MinoÂrity Leader Milagros MagÂsaysay, lubhang nakakaalarma ang dami ng naitatalang barilan sa buong bansa.
Tanong ng mga mamÂbabatas, kung ano ang ginagawa ng mga otoriÂdad para lutasin ang problema sa mahigit kaÂlahating milyong loose firearms.
Giit ng minorya, dapat na magsilbing wake-up call sa gobyerno ang insidente ng Atimonan shootout, pamamaril ng isang Canadian sa loob ng courtroom sa Cebu at ang pamamaril kay MaÂconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Idinagdag naman ni Magsaysay na dapat tuÂtukan ni DILG Secretary Mar Roxas ang mga ahenÂsiya na nasa ilalim nito tulad ng PNP dahil nakakalungkot naman umanong isipin na mismong ang mga awtoridad pa ang lumalabag sa batas tulad ng mga pulis at sundalo na kasama sa Atimonan shooting.
Giit ni Magsaysay, daÂpat na mag-concentrate si Roxas sa nasabing mga ahensiya at huwag tuÂmutok sa 2016 elections.
Dahil dito kayat nanaÂwagan din ang mga mamÂbabatas sa admiÂnisÂtrasyon na maging mas mahigpit sa pagpapatupad ng batas lalo pa ngaÂyon at nalalapit na ang eleksyon.
- Latest