^

Bansa

Resistensiya palakasin vs malamig na klima

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na palakasin ang kanilang resistensya dulot ng lumalamig na klima.

Nabatid kay Dr. Lyndon Lee Suy, ng Emerging and Reemerging Infectious Diseases na maraming nagkakasakit ngayon dahil malamig ang panahon.

Tinukoy ng doctor ang trangkaso na pangunahing sakit ng mga mahihina ang resistensya maliban pa sa ubo, sipon at pananakit ng lalamunan at kasu-kasuan.

Bukod sa pagkain ng masustansiyang pagkain at prutas, kailangan ding mag-ehersisyo upang lumakas ang resistensya at malabanan ang anumang sakit.

Maaari din aniyang gumamit ng jacket o makakapal na damit upang mabawasan ang nararamdamang lamig.

Pinaiiwas din ng doctor ang publiko sa paninigaril­yo at pag-inom ng alak na nagpapahina sa resistensya.

BUKOD

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LYNDON LEE SUY

EMERGING AND REEMERGING INFECTIOUS DISEASES

MAAARI

NABATID

PINAIIWAS

PINAYUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with