MANILA, Philippines - Pinasasampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kaso sa CagaÂyan de Oro City Regional Trial Court ang Coco Rasuman Group na sangkot sa multi-million pyramiding scam.
Inaprubahan ni DOJ Prosecutor General Claro Arellano ang rekomendasyon ng panel of prosecutors na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela na may sapat na probable cause o sapat na batayan upang litisin ng husgado sa dalawang bilang ng kasong syndicated estafa sina Jhacob “Coco†Rasuman at 5 iba pa.
Nag-ugat ang resolution ng DOJ sa complaint ni Achmad Sangcaan matapos siyang maloko ng P5.13-M noong nakaraang taon.
Nabatid sa complaint affidavit ni Sangcaan na noong October 2011, inalok siya ni Coco na maglagay ng puhunan sa NAD 21 Auto Option Trading Corporation na kunsaan siya ay kikita nang mula 50 hanggang 100 porsiyento ng kanyang investment sa loob ng dalawang buwan.
Inamin din ng complainant na siya ay naengganyo kaya noong November 2011, nilagay niyang puhunan o investment ang kaniyang sasakyan kasama ang P300,000 na cash at nabayaran noong Enero 2012 kasama ang 50 percent interest.
Noon naman aniyang May 2012 muli siyang nakumbinse ni Coco at misis na si Princess Tomawis Rasuman, kapatid na si Basher Tata Rasuman, Jr. na mag-invest sa kanilang kumpanya na may katumbas na apat na libreng mamahaling sasakÂyan kapalit ng malaking halaga ng puhunan na kanyang ilalagak.
Gayunman, bago aniya nag-mature ang mahigit P15-M niyang investment sa pagitan ng June at July 2012 ay nagdeklara na ng bankruptcy ang pamilya Rasuman.
Maliban kay Coco, pinakakasuhan din ng DOJ si Princess Tomawis Rasuman, Basher Rasuman Jr., Basher Rasuman Sr., Ema RaÂsuman at Sultan Yahya Jerry Tomawis.
Ang ikalawang kaso ng syndicated estafa ay ibinase ng DOJ sa reklamo ni Naim Sampao na umanoy naloko ng P14.3 million ay resÂpondents sina Jachob Coco Rasuman, Princess Tomawis Rasuman, Basher Rasuman Sr.; Sultan Yahya Jerry Tomawis, Basher RasuÂman Jr; Vice Mayor Maning Rasuman at Jerome Rasuman.