^

Bansa

Rep Enrile kay PNoy: Kasambahay Bill pirmahan na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Cagayan Rep. (1st District) Juan “Jack” C. Ponce Enrile Jr. kay Pangulong Benigno Aquino III na bigyang prayoridad din ang kapakanan ng mga kasambahay sa pagsasabatas ng tinatawag na “Kasambahay Bill.”

“Along this line, Pres. Aquino would be further demonstrating his concern to the poorer members of our society if he signs into law, the ‘Kasambahay Bill’ that was already approved by both chambers of Congress and is now just waiting for his signature,” ayon kay Enrile.

Nabatid na sa kanyang unang termino  noong ika-11 Kongreso, si Enrile ang unang naghain ng naturang bill na naglalayon iangat ang antas ng mga “household hel­pers” sa pamamagitan ng pagsusulong ng naturang panukala.

“In the light of his recent legislative triumphs with the sin tax law and the RH law, I think this is the proper time for the President to sign the Kasambahay bill into law for the benefit of the millions of household wor­kers in the country,” dagdag pa ni Enrile.

Binanggit pa ni Enrile na sakaling mapirmahan ng pangulo ang bill bilang batas, humigit kumulang tatlong milyong kasambahay ang kagyat makikinabang sa mga benepisyo.

“Napakagandang pag­salubong sa Bagong Taon para sa ating mga kasambahay kung pipir­mahan na ni Pangulong Aquino itong Kasambahay Bill. “Matagal na itong naka-pending at ngayon aprubado na sa Senado at Kongreso ay marapat na niyang pirmahan ito upang maisabatas,” pahayag pa ng Cagayan lawmaker.

Sinabi pa nito na sa kabila ng pagratipika ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Senado mahigit isang buwan na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito napipirmahan upang maging ganap na batas.

 

BAGONG TAON

CAGAYAN REP

ENRILE

KASAMBAHAY

KASAMBAHAY BILL

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PONCE ENRILE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with