Campaign materials bawal pa
MANILA, Philippines - Habang hindi pa nagÂsisimula ang halalan, hindi pa rin maaaring magÂlagay ng anumang election materials sa anuÂmang lugar.
Sinabi ni Comelec ExeÂcutive Director James Jimenez na Pebrero 12, 2013 pa ang simula ng kampanya para sa mga national candidate at partyÂlist group habang sa Marso 29 naman ang kampanya para sa mga lokal na kandidato.
Aminado si Jimenez na inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga poster, tarpaulins at paglabas sa mga telebisyon ng mga kandidato dahil pagsapit ng campaign period ay limitado na ang paglabas nila sa media.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Public Works and HighÂways (DPWH) para sa mga probinsiya at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para naman sa mga taga-Metro Manila.
Babantayan din ang tinatawag na “full publiÂcity†ng mga pulitiko na kung mapapansin ng koÂmisyon na palagi na lang ang tatay, asawa o anak ng isang kandidato ang kinakapanayam ay hindi sila mangingiÂming pagsabihan ang meÂdia entity at maging ang kandidato.
- Latest