^

Bansa

Nakayapak na deboto, isasakay sa LRT

Mer Layson at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papayagang sumakay sa LRT Line 1 ang mga nakayapak na deboto ng Itim na Nazareno, ngunit pinaalalahanan ang mga ito na wala silang libreng sakay ngayong araw kahit pa pista ng Nazareno.

Ito ang inihayag kahapon ni LRTA spokesman Hernando Cabrera, kasunod nang inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong deboto ng Nazareno sa Quiapo na lalahok sa taunang prusisyon.

Tiniyak ni Cabrera na handa na ang mga LRT coaches para i-accommodate ang mga deboto.

Inaasahan nila ang maraming debotong sasakay sa LRT sa Central, Carriedo at Doroteo Jose stations.

Noong nakaraang pista ng Nazareno ay nakapagtala ang LRTA ng 620,987passengers sa LRT Line 1.

Ani Benitez, maglalagay rin sila ng mga help desks, medical personnel at Red Cross volunteers sa mga istas­yon ng UN Avenue, Central Carriedo, D. Jose at Recto.

Naka-standby na rin ang medical team ng DOH sa Quirino Grandstand, habang back-up ambulance teams naman mula sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), San Lazaro Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Tondo Medical Center at Philippine Orthopedic Center.

Nakataas naman sa Code White Alert ang lahat ng pagamutan sa Metro Manila hanggang bukas.

 

ANI BENITEZ

CENTRAL CARRIEDO

CODE WHITE ALERT

DOROTEO JOSE

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

HERNANDO CABRERA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

METRO MANILA

NAZARENO

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with