RH bill hindi minadali - SB
MANILA, Philippines - Nilinaw ni House Spea ker Feliciano Belmonte Jr. na hindi minadali at legal ang pagkakapasa sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.
Paliwanag ng pinakamataas na lider ng Kamara, inabot ng 14 taon bago tuluyang naipasa ang House Bill 4244 kayat hindi maaaring sabihin na minadali ito.
Bukod dito, ang batas ay nagmamando rin umano sa estado na mag laan sa mahihirap ng reproductive health (RH) services, kabilang na ang access sa contraceptives at sex education sa mga batang mag-aaral.
Ang reaksyon ni Belmonte ay kaugnay sa pag hahain ng kaso sa Korte Suprema laban sa kalalagdang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.
Naniniwala rin si Cibac party list Rep. Sherwin Tugna na walang basehan at ibabasura lamang ng Korte Suprema ang petisyon laban sa RH law dahil walang naging paglabag sa Konstitusyon.
Giit ni Tugna, dapat na bigyan muna ng pagkakataon ang RH bill na maipatupad para sa ikabubuti ng bansa.
Una nang naghain ang mag-asawang abogadong sina James Imbong at Lovely-Ann, para sa kanilang dalawang anak at Magnificat Child Development Center Inc., ng petisyon para ipatigil ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10354, dahil labag umano ito sa batas.
Ito ang unang petisyon na inihain laban sa RH law matapos lagdaan ni PNoy no ong Disyembre 21.
- Latest