^

Bansa

Manok mula Taiwan bawal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagbawal kahapon ng Department of Agriculture (DA) ang pag-importa ng mga alagang manok at iba pang poultry products mula sa Taiwan dahil sa kumakalat na sakit na avian influenza o kilala sa tawag na bird flu sa mga poultry farms sa naturang bansa.

Inatasan na ni DA Secretary Proceso J. Alcala ang mga veterinary inspectors ng ahensiya na suspendihin ang pagproseso at pagbusisi sa aplikasyon at pagpapalabas ng clearances para sa importasyon ng poultry products mula sa Taiwan.

Kasama sa mga bawal na iimport sa Taiwan ang domestic at wild birds kasama na ang poultry meat, day-old chicks, eggs at itlog.

Pinakukumpiska naman sa mga inspectors sa mga major ports ang mga manok at iba pang poultry products mula sa Taiwan upang makaiwas na makapasok ito sa Pilipinas.

Noong May 2012 ay bawal na ang importasyon ng manok at poultry products mula Taiwan dahil sa bird flu. August 2012 ay nawala na ang sakit sa mga manukan sa Taiwan kayan pinayagan na ulit makapag import ng manok ang Pilipinas sa Taiwan.

Pero ngayong Dis­yembre muling umatake ang bird’s flu sa natu­rang bansa kayat agad na ipinagbawal ng DA ang importasyon nito para sa kapakanan ng mamamayan ng bansa lalupat in demand ang manok ngayong Holiday season.

 

ALCALA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INATASAN

IPINAGBAWAL

NOONG MAY

PILIPINAS

SECRETARY PROCESO J

TAIWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with