^

Bansa

NCR students nag-donate sa Pablo victims

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinadama ng mga estudyante ng mga public school mula sa National Capital Region (NCR) ang tunay na diwa ng Pasko sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao matapos na magkaloob ng donasyon sa kanila.

Sa isang simpleng turnover ceremony sa Bulwagan ng Karunu­ngan sa DepEd Central Office, ay ibinigay ng mga NCR students kay Education Secretary Armin Luistro ang kanilang nalikom na coin donations para sa mga typhoon victims.

Umaabot sa kabuuang P1,254,499.05 ang halagang nalikom sa isinagawang limang araw na fund drive na sinimulan ng DepEd-NCR sa pamamagitan ng regional me­morandum na inisyu nito sa lahat ng public schools sa rehiyon.

Laking pasalamat naman ni Luistro sa DepEd-NCR, public schools at sa mga mag-aaral.

Anang Kalihim, higit pa sa halaga ng kanilang naipagkaloob ay mas importante ang tulong na mula sa mga ordinaryong tao upang makibahagi sa pagdurusa sa kanila sa panahong ito ng kagipitan.

ANANG KALIHIM

BULWAGAN

CENTRAL OFFICE

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

IPINADAMA

KARUNU

LUISTRO

MINDANAO

NATIONAL CAPITAL REGION

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with