^

Bansa

Disease outbreak sa evacuation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng pagkalat ng sakit o pagkakaroon ng disease outbreak sa mga evacuation centers sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Pablo kamakailan.

Ayon kay Health Assistant Secretary at DOH-National Epidemiology Center Dr. Eric Tayag, nadaragdagan ang tiyansa na pagkakaroon ng outbreak ng sakit lalo na kung hindi sapat at hindi ligtas ang suplay ng tubig sa isang lugar.

Lumilitaw na ang bawat tao sa evacuation center ay nangangailangan ng 20 litro ng tubig araw-araw na gagamitin nito sa pag-inom, pagluluto at para sa hygiene purposes.

Sinabi ni Tayag na da­pat tiyakin ng mga evacuees na malinis ang tubig na kanilang iinumin sa pamamagitan nang pagsala rito gamit ang cheese cloth, pagpapakulo o di kaya’y paglalagay ng chlorine.

Ang mga pagkaing madaling mapanis ay dapat na kainin kaagad sa loob ng dalawang oras matapos itong ihanda.

Kung hindi aniya ito makakain kaagad ay dapat na iinit ito o di kaya’y ilagay sa malamig na container.

Hinikayat ni Tayag ang mga ina na pasusuhin na lamang ang kanilang mga sanggol upang makaiwas sa sakit ang mga ito.

Nilinaw naman ng health official na ang mga bangkay na hindi kaagad maililibing ay hindi naman disease risk.

Sa kabila nito, hinimok ni Tayag ang mga awtoridad na ilibing ng maayos ang mga bangkay, ngunit hindi aniya sa pamamagitan ng mass burial.

Kaugnay nito, nagpa­dala na ng 800 cadaver bags ang DoH sa mga lu­gar na hinagupit ng bag­yong Pablo.

Ayon kay Dr. Carmencita Banatin ng DoH Health Emergency Management Service, layunin nitong maiwasan ang posibleng pagkalat ng epidemya na maaaring manggaling sa mga labi ng mga namatay na tao.

Nababahala ang kagawaran sa magkakahalong buhay at patay sa iisang lugar lamang, partikular na ang mga evacuation centers.

Gayunman hindi na umano makikialam ang DoH sa isyu ng mass burial dahil inaasikaso na ito ng DILG.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. CARMENCITA BANATIN

DR. ERIC TAYAG

GAYUNMAN

HEALTH ASSISTANT SECRETARY

HEALTH EMERGENCY MANAGEMENT SERVICE

TAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with