Local chicken industry pinapatay ng BOI
MANILA, Philippines - Binatikos ng hog at poultry industry ang naging desisyon ng Bureau of Investment (BOI) na payagang makapasok sa bansa ang Thai-owned Charoen Pokphand (CP) na siyang papatay sa local chicken poultry industry sa bansa.
Ayon kay Abono Partylist Rep. Rosendo So, ang hakbang na ito ng BOI ang kikitil sa local hog at poultry industry kung saan ang CP project ay magtatayo ng parent stock farm sa Tarlac at Pangasinan bukod sa 6 na broiler farm naman sa Bulacan at Nueva Ecija na magsisimula ang operasyon sa Pebrero 2013.
Sinabi pa ni Rep. So na director din ng Swine Development Council, nagsisimula pa lamang makabangon ang swine at chicken industry mula sa malawak na meat smuggling na nagresulta sa pagkalugi nila ng mahigit P28.5 bilyon sa nakalipas na 3 taon.
Aniya, ang pag-apruba ng BOI sa CP project sa bansa ay parang tinamaan ng tsunami ang local hog at chicken industry kung saan ay mamamatay na rin ang mga small-scale at backyard growers.
Pinagkalooban pa ang CP ng mga tax holidays na hindi man lamang naranasan ng mga local growers.
- Latest