^

Bansa

Pagtalakay sa sin tax isinantabi, inuna ang RH bill

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa hindi inaasahang pangyayari, isinantabi muna kahapon ng Senado ang pagtalakay sa sin tax bill na naglalayong itaas ang buwis sa alak at sigarilyo at sa halip ay isinalang sa plenaryo  na ang kontro­bersiyal ng Reproductive Health (RH) bill.

Mismong si Senate President Juan Ponce Enrile ang nagsulong na unahin na muna ang pagtalakay ng RH bill matapos siyang maakusahan ng pagde-delay sa pagpasa ng panukalang batas.

Kabilang si Enrile sa mga senador na nauna ng nagpahayag na hindi sila pabor sa pagpasa ng RH bill.

Sinabi ni Enrile, upang matapos na ang mga aku­sasyon laban sa kaniya na ibinibitin ang pagtalakay sa panukala, nakahanda na siyang ipresenta ang kaniyang mga amendments kung papayagan siya ng mga kapwa senador.

Sinegundahan naman ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang panukala na inaprubahan ng mga senador.

Sinabi pa ni Enrile na natagalan siya na i-finalize ang kaniyang mga amendments dahil mahina na ang kaniyang paningin at kinakailangang palakihin pa ang font ng draft ng RH Bill upang mabasa niya ng mabuti.

ENRILE

KABILANG

LACSON

MISMONG

PANFILO

REPRODUCTIVE HEALTH

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with