Pinoy todas sa Mexico blast!

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang nasawi habang apat pa ang kritikal at isa ang na­ wa­wala matapos sumabog ang isang oil rig sa ka­ ra­gatang sakop ng Port of Mexico, USA kahapon.

Ang Pinoy na hindi muna pinangalanan ay na­matay habang ginagamot sa Baton Rouge General Hospital sa Louisiana bun­sod ng sunog at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Asec. Raul Hernandez, inata­san na ni Ambassador Jose Cuisia Jr. ng Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. ang ka­nilang welfare officer na puntahan ngayong araw sa ospital ang mga Pinoy na sugatan at alamin kung anong tulong ang maibibigay sa mga biktima kabilang ang re­patriation sa labi ng nasawi at pakikipag-ugnayan sa kanilang pa­milya sa Pilipinas.

Ayon kay Cuisia, pan­­samantalang itinigil ng US Coast Guard pa­sado alas-5:25 ng hapon (oras sa US) kahapon ang pag­hahanap sa na­wa­walang Pinoy nang dumilim na sa lugar.

Unang iniulat na 15 Pinoy ang nasugatan sa insidente kabilang na ang apat na nasa seryosong kalagayan habang dalawang Pinoy ang nawa­wala.

Sa report ng US Coast Guard, naganap ang pag­sabog at pagsiklab ng apoy sa isang bahagi ng oil platform ng Black Elk Energy Company na ma­tatagpuan may 20 milya southeast ng Grand Isle.

Nagkamali umano sa ginamit na cutting equip­ment sa isang puputuling linya ng oil rig na imbes cutting device ay isang cutting torch ang ‘di sinasadyang na­gamit umano ng mga manggagawa sanhi ng biglaang pagsiklab ng apoy na sinundan ng pagsabog.  

 

Show comments