^

Bansa

Hindi kami kontra sa pagmimina- Blaan tribe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga nakatatanda at lider ng mga tribung pangkomunidad ng Blaan sa Tampakan, South Cotabato at Kiblawan, Davao del Sur na huwag silang bansagang kontra-pagmimina sa kanilang lugar.

 “Ang kapayapaan at kaayusan ay matagal na na­ming problema bago pa man dumating ang kompanya sa pagmimina pero walang tumutulong sa amin noon,” ayon kay Tong Capion, tribal elder sa Bong-Mal, Kiblawan, Davao del Sur.

“May mga alalahanin kami sa mga kontratista at sa kompanya sa pagmimina pero hindi namin tinututulan ang Tampakan project,” pahayag naman ni Dot Capion, pinuno ng tribung Blaan sa Bong-Mal.

Ang Tampakan mining project ay malaking lugar na nasa hangganan ng South Cotabato at Davao del Sur sa katimugan ng Mindanao na tirahan ng aabot sa 13,000 katutubong Blaan.

Iginiit ni Tampakan municipal tribal chieftain Dalena Samling na dapat nang itigil ng ilang grupo ang pagbibigay ng pahayag para sa mga Blaan.

BLAAN

BONG-MAL

DALENA SAMLING

DAVAO

DOT CAPION

IGINIIT

KIBLAWAN

SOUTH COTABATO

TAMPAKAN

TONG CAPION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with