NAIA alerto sa yellow fever

MANILA, Philippines - Umapela ang mga human quarantine doctors sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lahat ng international departing Filipino seamen, OFWs, mga turista kabilang ang mga airlines crew na pupunta sa South America at Africa na magpa-ineksyon ng anti-yellow fever vaccine para sa kanilang proteksyon.

“Human Quarantine is the only authorized agency to vaccine passenger going to the said countries,” sabi ni Quarantine doctor Llyod Carmona.

Sabi ni Carmona, may ulat ang World Health Organization (WHO), na may outbreak sa Sudan’s Darfur region at may 107 ang namamatay sa loob ng anim na linggo kaya nagbabala ang WHO na maaring kumalat ito kung hindi mag-iingat ang mga tao.

Sa ulat ng Associated Press (AP), ang bilang ng mga namatay ay tumataas pa.

Ayon sa WHO, mahigit sa 500 milyong tao sa 32 bansa sa Africa ang delikadong magkaroon ng yellow fever infection.

Ang pagkakaroon umano ng malakas na ulan sa Darfur ang isa sa mga dahilan kaya dumarami ang breeding sites ng mga disease carrying mosquitos.

 

Show comments