^

Bansa

Partylist ni Mikey, ALAM dinisqualify

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyang nang dinis­kuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang Ang Ga­ling Pinoy (AGP) ni Rep. Mikey Arroyo at ang Alab ng mga Mamamahayag (ALAM).

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, hindi kumakatawan sa marginalized sector ang AGP at ALAM.

Sinabi ni Brillantes na ang grupo ni Arroyo ay matagal na sanang natanggal ngunit ngayon lamang naisapinal ang resolusyon ng Commission en banc. Aniya, kahit minsan ay hindi humarap sa Comelec ang dating presidential son bilang kinatawan nito.

Hindi naman umano pumasa sa panuntunan ng komisyon ang Alam partylist kaya hindi na nila maaaring pagbigyan ang anumang apela nito.

Bukod pa rito, wala rin umanong track record ang ALAM na isa sa mga requirement na pagbabasehan para ma-accredit ng komisyon.

Matatandaang na­ging kontrobersyal ang ALAM matapos nitong akusahan ang dalawang Comelec commissioners na diumano’y nanghingi ng P5 milyon kapalit ng akreditasyon ng kanilang grupo bilang isang party­list group.

Nilinaw pa ni Brillantes, na pinal na ang kanilang desisyon at sinabing sa Korte Suprema na lang umapela.

Samantala, tatapusin na lamang ng AGP ang kanilang termino hanggang Hunyo 2013.

Ang AGP ay incumbent partylist, habang ang Alam ay bagong aplikante lamang sa nalalapit na halalan.

ALAB

ALAM

ANG GA

ANIYA

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

KORTE SUPREMA

MIKEY ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with