MANILA, Philippines - Pumalo na sa 27 katao ang bilang ng nasawi bago ang paglisan ng bagyong Ofel sa bansa.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), pinakamaraming bilang ng namatay ay mula sa Region 4-B na umaabot sa 9, walo sa Region 4-A, lima sa Region 12, tig-dalawa sa Regions 5 at 7 at isa sa Region 8. Siyam pa ang hinahanap habang nanatili sa 19 ang naitalang nasugatan.
Umabot sa 14,667 pamilya o katumbas ng 70,616 indibidwal ang naapektuhan, habang 21,530 pamilya o katumbas na 11,430 katao ang nanatili sa 63 evacuation centers Nakapagtala naman ng higit P55 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa Regions 4-B at 5 dahil sa pagbaha.
Inilagay naman sa state of calamity dahil sa pagbaha ang Lobo, Batangas; Oriental Mindoro; Buug, Zamboanga Sibugay at Imelda, Zamboanga Sibugay.
Samantala, 10 kalsada at tulay sa Luzon ang hindi pa rin madaanan ng sasakyan, kabilang ang Central at Southern Luzon, gayundin ang Bicol Regions.