^

Bansa

Tren ng MRT ang dagdagan, hindi pamasahe - Casiño

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dagdagan na lamang ang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT) sa halip na magdagdag ng P10 pamasahe dito.

Ito ang mungkahi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño upang mahinto ang balak na taas pasahe sa MRT na isa na naman umanong pasanin sa commuters.

Paliwanag ni Casiño, may kabuuang 73 ang nag-ooperate na Light Railway Vehicles (LRVs) at bawat isa nito ay mayroong tatlong trains o couch na tumatakbo na may pagitan na tatlong minuto.

Mayroon umanong tinatayang 450,000 mananakay kada araw subalit ang disenyo lamang nito ay para sa 300,000 hanggang 350,000 lamang.

Ang mas maganda umanong gawin ay magdagdag ng panibagong set ng 73 LRV subalit dapat ay gawin na itong 4 trains o couches at may pagitan na dalawang minuto kada takbo.

Sa pamamagitan umano nito ay tataas ang kapasidad ng MRT at aabot ito sa 600,000 hanggang 700,000 riders kada araw

Kung madagdagan umano ng mga couches ay mas magiging komportable ito para sa mga mananakay lalo na tuwing rush hour at mas marami pa ang maisasakay sa MRT kayat magdudulot ito ng mas malaking kita kahit na hindi na magdagdag pa ng P10 na pamasahe.

 

BAYAN

CASI

DAGDAGAN

LIGHT RAILWAY VEHICLES

MAYROON

METRO RAIL TRANSIT

MUNA REP

TEDDY CASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with