Corona humarap sa DOJ
MANILA, Philippines - Humarap kahapon si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue.
Dumating sa DOJ si Corona kasama ang misis na si Cristina upang isumite ang kanyang counter affidavit na kanya na ring pinanumpaan sa harap ng panel.
Sinabi ni Corona na nagtungo siya sa DOJ para harapin ang malisyoso at walang basehang reklamo laban sa kanya.
Politically motivated umano ang reklamo na isinampa ng BIR na resulta ng decision ng SC sa kaso ng Hacienda Luisita.
Samantala, kinuwestiyon din ni Corona kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapamahagi sa mga magsasaka ang bahagi ng hacienda.
Sa desisyon ng SC noong April 2012 ay pinal ng sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na dapat maipamahagi sa halos 6-libong farmer beneficiaries ang nasa 5 libong ektaryang lupain ng Hacienda Luisita.
- Latest