^

Bansa

Hindi pagdalo ni PNoy sa canonization, inaasahan ng simbahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan na ng simbahan ang hindi pagdalo ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa canonization ni San Pedro Calungsod sa Vatican City, Roma noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, hindi  naman talaga nakikiisa ang Pangulo sa mga gawain o banal na pagdiriwang ng Simbahang Katoliko.

Sinabi ni Cruz, noon pa man ay kapansin-pansin na ang pagiging malayo ng Pangulong Aquino sa Diyos dahil sa pagsusulong nito ng mga panukalang batas na hindi nakabatay sa turo at doktrina ng Simbahan gaya ng Reproductive Health (RH) bill.

Anang arsobispo, ang pangulo umano ay isang “consummate politician” kaya hindi ito sumusunod sa turo ng Simbahang Katoliko.

Si Vice President Jejomar Binay ang naging kinatawan ng Pangulo sa makasaysayang pagdedeklarang santo kay San Pedro Calungsod.

 

vuukle comment

ANANG

AYON

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH

SAN PEDRO CALUNGSOD

SI VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

SIMBAHANG KATOLIKO

VATICAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with