^

Bansa

Mary Grace Piattos imbento lang - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumilitaw na imbento lang ng Office of the Vice President (OVP) ang pangalang “Mary Grace Piattos” matapos walang lumabas na kahit anong record nito sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Kaya pala walang nag-claim ng P1 million reward kasi peke talaga,“ saad ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun matapos una nang mag-alok ng pabuya ang House Blue Ribbon sa sinumang makapagtuturo at lilitaw na Mary Grace Piattos.

“Nakakabahala na umabot tayo sa ganitong level ng kasinungalingan. Sa mga opisyal ng gob­yerno na dapat nagbibigay ng tamang impormasyon, imbento lang pala ang Mary Grace Piattos,” ani Khonghun.

Sa beripikasyon ng PSA sa pinaghahanap na Mary Grace Piattos ay wala ito sa kanilang rekord sa Civil Registry System (CRS), database ng Certificate of Live Birth (COLB), Certificate of Marriage (COM) at Certificate of Death (COD).

“Hindi lang ito simple na isyu ng pangalan; pinagmumulan ito ng mas malalim na problema sa transparency at accounta­bility. Kung kaya nilang mag-imbento, ano pa kaya ang mga nakatagong transaksyon?” anang mambabatas.

“Sa bawat pisong ginagastos ng gobyerno, karapatan ng mamamayan na malaman kung saan ito napupunta. Pero paano kung ang kwento pa lang ay imbento na?” anang mambabatas.

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with