^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Papasukin na ang ICC

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Papasukin na ang ICC

Kung gaano ang pagtutol ni dating President Rodrigo Duterte noon na papasukin ang mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) para mag-imbes­tiga sa extra-judicial killings (EJKs) ng war on drugs ng kanyang administrasyon, ngayon ay siya pa ang naghahamon na magtungo na ang mga ito sa bansa.

“I am asking the ICC to hurry up and if possible, if they can come here and start the investigation tomorrow. Baka mamatay na ako, hindi nila ako maimbestigahan. That’s why I am asking the ICC through you na magpunta na sila rito,” sabi ni Duterte nang dumalo sa pagdinig ng House quad committee noong Miyer­kules. Ito ang unang pagdalo ni Duterte sa komite.

Hinamon pa ni Duterte ang quad comm na bigyan siya ng pera at siya na ang pupunta sa ICC. Gagawin daw niya iyon para sa bayan at para sa mga anak. Hindi raw nila alam ang pagsasakripisyo ng mga magulang, hindi raw nila alam ang mga misteryo, hindi raw nila alam ang pinagdaraanang hirap ng mga magulang. Pinag-aral daw ang anak mula kinder, elementarya hanggang high school at pagdating ng college, nabaliw lang sa droga kaya talaga raw papatayin niya ang drug lords.

Marami pang sinabi si Duterte sa pagdinig at kahit­ pinagbawalan nang huwag magsasalita ng mga masa­samang salita, hindi pa rin nito napigilan kaya nagkalat ang “putang-ina”, “gago” at “sira-ulo” sa pagdinig na ina­­bot ng hanggang alas dose ng hatinggabi. Nagsi­mula ang pagdinig ng alas diyes ng umaga at ayaw pang magpahinga ng dating Presidente.

Ngayong sa kanya na nagmula na papasukin na ang ICC para maimbestigahan siya, dapat matupad ang kanyang hiling. Kailangang magmiyembro muli ang Pili­pinas para mangyari ang gusto ni Duterte. Kumalas ang Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019 sa utos mismo ni Duterte. Ito ay sa kabila na isa ang Pilipinas sa mga lu­magda sa pagtatatag nito. Ang pagkalas ng Pilipinas ay nangyari habang mainit ang kampanya ng Duterte administration laban sa illegal drugs.

Sa war on drugs, naitala ang 6,252 na pinatay pero sa report ng human rights groups, aabot umano sa 20,000 o mahigit pa ang mga namatay na ayon sa mga pulis ay “nanlaban”. Ayon sa human rights group, karamihan sa mga napatay ay inosente. Kabilang sa mga napatay at napagkamalan lang ay ang mga kabataang sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan City at saka binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Buksan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pin­tuan at papasukin ang ICC. Igalang ang pakiusap ng dating Presidente na handang harapin ang imbesti­gasyon ng ICC at handa rin umanong mabulok sa piitan kung guilty.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with