Trike driver itinumba ng tandem
June 27, 2024 | 12:00am
MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na tricycle driver ang nasawi nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Lupang Arenda Road, Taytay, Rizal, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, Taytay police chief, na ang biktimang si Joennefer Debardo, 50, ay minamaneho ang kanyang tricycle galing sa Pasig City nang lapitan ng mga suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril, alas-7:30 ng umaga.
Namatay noon din ang biktima at inaalam pa ang motibo sa pagpatay at sino ang mga suspek.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended