MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa hagupit ng bagyong "Yolanda" ayon sa state disaster response agency ngayong Martes.
Sa huling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umakyat na sa 5,936 ang kumpirmadong patay.
Dagdag ng NDRRMC na 1,779 pa ring katao ang hindi pa natatagpuan mula ng tumama ang bagyo noong Nobyembre 8.
Umabot na sa 27,022 ang bilang ng mga nasaktan sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon, kung saan 2.6 milyong pamilya o 12.3 milyong katao ang naapektuhan.
Tinatayang P35.5 bilyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian, kung saan P18.2 bilyon ay mula sa impastraktura at P17.3 bilyon naman sa agrikultura, ayon pa sa NDRRMC.
Kahapon ay nanawagan si NDRRMC spokesman Maj. Rey Balido sa publiko na maghain ng pormal na reklamo laban sa umano'y pagbebenta ng ilang politiko ng mga donasyon mula United Kingdom.
“We are awaiting the official complaint so we can start doing the necessary steps and so that we can investigate these kinds of incidents,†pahayag ni Balido sa mga mamamamhayag sa Camp Aguinaldo.
Inamin ni Balido na magiging masama ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa sa mga kumakalat na balita.