6 na CCTV cameras sa kulungan ni Napoles gumagana na

MANILA, Philippines – Nilagyan na ng closed-circuit television (CCTV) cameras ang kulungan ng umano’y mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinabi ni PNP spokesman Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac ngayong Biyernes na mayroong anim na CCTV camers ang nakakabit sa loob ng piitan ni Napoles.

Pero nilinaw ni Sindac na hindi makikita ng publiko ang kuha ng CCTV at gagamitin lamang ito upang bantayan 24 oras si Napoles.

Siniguro ni Sindac na hindi malalabag ang right to privacy ni Napoles sa pagkabit ng mga camera.

Sumuko si Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III noong Agosto 28 matapos magtago ng ilang linggo kasunod nang arrest warrant na inilabas ng Makati Regional Trial Court para sa kasong  serious illegal detention.

Nitong Linggo ng gabi inilipat si Napoles sa Fort Sto. Domingo mula sa Makati City Jail.

Show comments