MANILA, Philippines – Iniutos ng Makati Regional Trial Court ang paglipat ng kulungan ng umano’y utak sa pork barrel scam na si Janet Napoles ngayong Biyernes.
Inilbas ni Judge Elmo Alameda ng Makati City Regional Trial Court Branch 150 ang apat na pahinang kautusan na paglipat ni Napoles mula Makati City Jail patungong Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa isinagawang pagdinig kanina sa petisyon ng kampo ni Napoles, sinabi ni acting city jail warden Chief Inspector Fermin Enriquez na hindi nila masisiguro ang kaligtasan ng negosyante.
"We cannot guarantee the safety of inmates 24/7 especially during at night and at sleeping time," pahayag ni Enriquez.
Nitong kamakalawa ay nagpalipas ng gabi si Napoles sa national headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame bago inilipat sa Makati City jail kagabi.
Sinabi pa ni Roxas na round-the-clock security ang ibinigay ng gobyerno kay Napoles upang masiguro ang seguridad niya dahil inaasahan siyang magsisiwalat nang mga alam sa pangungurakot ng mga mambabatas.
Kaugnay na balita: Napoles bantay-sarado 24 oras sa Makati City Jail
Si Alameda ang naggiit na dapat ay as Makati City Jail makulong si Napoles.
Kaugnay na balita: Napoles kasama ang dating kasambahay na ipinakulong
Siya rin ang naglabas ng arrest warrant laban kay Napoles at sa kapatid niyang si Reynald Lim sa kasong serious illegal detention dahil sa pagkulong nila kay Luy.