2 sunog naitala sa Makati at Pasay

MANILA, Philippines – Kahit matindi ang buhos ng ulan sa Metro Manila, dalawang sunog ang naitala ngayong Martes sa lungsod ng Makati at Pasay.

Nasunog ang Ayala Builders hardware store sa EDSA-Magallanes sa Makati City bandang alas-9 ng umaga, kung saan ang ikalawa at ikatlong palapag ang napinsala.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumagal din ng mahigit isang oras.

Nahirapan apulahin ng mga rumespondeng bumbero ang sunog sa imbakan ng mga pintura na flammable substance.

Pumalyang electrical wiring ang hinalang naging sanhi ng sunog.

Samantala, isang warehouse sa kalye ng F.B. Harrison sa Pasay City ang nasunog bandang alas-9 ng umaga.

Tumagal din ito ng higit isang oras bago naapula ng mga bumbero.

Show comments