Gerald Anderson napikon sa mga online bashers

MANILA, Philippines – Napikon na ang Kapamilya star na si Gerald Anderson sa mga bashers ng kanyang girlfriend na si Maja Salvador sa social media.

Sinabi ni Gerald na naiintindihan niya na public figure sila pero aniya, minsan ay sumosobra na talaga ang mga bashers.

“Siyempre, umabot din sa point na parang sumusobra rin, di ba? Hindi porke’t artista kami, parang wala lang sa amin pag may nagba-bash. Siyempre, may feelings din kami. Tao pa rin kami. Siguro umabot din sa isang point na ganun (si Maja),” sabi ni Gerald kahapon sa blogger’s conference ng kanyang pelikulang “On The Job.”

Malaking Secret

Ayaw na namng magkuwento pa ni Gerald tungkol sa relasyon nila ni Maja pero sinabi niyang okay naman sila.

“Yan ay isang malaking secret,” nang tanungin kung paano sila nagqua-quality time.

“Siyempre, sa amin na po yun. Yung status po namin sa relationship po namin, open po sa lahat. Pero yung relationship mismo is not open. Sa amin na po yun.”

Show comments