MANILA, Philippines – Binalaan ng isang kongresista ang publiko ngayong Huwebes sa paggamit ng cooking gas cylinder na galing China.
Ginawa ni LPGMA party-list Rep. Arnel Ty ang panawagan kasunod nang pagsabog ng 2.7-kilogram na Shine Gas tank sa Paco, Manila nitong Linggo, kung saan 15 tao ang nasugatan.
“These 2.7-kg LPG tanks from China, labelled Shine Gas, have never been tested here for their safety, and users risk being injured in an accidental blast or fire,†pahayag ni Ty.
Sinabi ni Ty na walang Import Commodity Clearance ng Department of Trade and Industry ang Shina Gas tank.
“One of the defects found in Shine Gas cylinders is that their valves tend to get detached from the tank. But the bottom line is these drums never passed Philippine safety standards to begin with,†ani Ty.
Dagdag ni Ty na mas mura ang Shina Gas kumpara sa mga LPG na ginagamit sa bansa.