P81M halaga ng 'tsongki' sinunog sa Kalinga

MANILA, Philippines – Higit sa P81 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad matapos ang tatlong araw na operasyon sa apat na plantasyon sa Tinglayan, Kalinga.

Sinabi ni Chief Superintendent Benjamin Magalong, Cordillera regional police director, isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Army at Philippine National Police ang raid sa mga plantasyon sa Sitio Bitulayungan.

Nasabat ang 120 halaman ng marijuana, 1,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, 600 gramo ng binhi ng marijuana mula sa 10,000 metro kuwadradong plantasyon.

Nakuha rin ang 36,000 halaman ng marijuana sa 3,000 metro kuwadradong plantasyon; 240,000 halaman ng marijuana mula sa 20,000 metro kuwadradong plantasyon, at 12,000 halaman ng marijuana sa 1,000 metro kuwadradong plantasyon.

Sinabi ni Magalong na aabot sa P81,875,000 ang halaga ng mga sinunog na marijuana.

Samantala, sugatan ang tatlong pulis matapos maaksidente sa ginawang operasyon.

Sakay ng helicopter sina Senior Superintendent Oliver Enmodias, Chief Inspector Dexter Vitug at Police Officer 3 Jude Duque nang humampas ang malakas na hanging dahilan upang bumagsak ang sasakyang panghimpapawid.

 

 

 

Show comments