1 Abu Sayyaf patay, 1 pa tiklo sa Jolo

MANILA, Philippines - Utas ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, habang tiklo ang isa pa nitong Sabado sa Jolo, Sulu, ayon sa isang opisyal ng militar ngayong Lunes.

Sinabi ni Col. Jose Joriel Cenabre, pinuno ng Joint Task Force Sulu, nahuli ng mga tauhan ng Jolo Internal Defense Force (JIDF) ang dalawang suspek habang naningikil ng pera sa isang restaurant bandang 2:15 ng hapon.

Dagdag ni Cenabre na unang pinaputukan ng mga rebelde ang paparating na sundalo kaya nauwi ito sa  ngkwentro.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing bandido at nadakip na kasamahan nito.

Sinabi pa ni Cenabre na ginamot muna ang sugatang bandido bago ito dinala sa Jolo Municipal Police Station.

Show comments