MANILA, Philippines – Nagloko kaagad ang isang precinct count optical scan (PCOS) machine sa Tondo sa lungsod ng Maynila kaya naman napuwersa ang Board of Election Inspectors (BEI) na pansamantalang itigil ang botohan.
Sinabi ng isang opisyal ng BEI na 21 balota ang tinanggap ng PCOS machine, ngunit hindi nito tinanggap pa ang mga sumunod na isinalang, kaya naman nag-aantay pa sila ng technical support upang maituloy ang botohan.
"That's part of the contingency orders that if there's a malfunctioning machine but voting should continue. The rejected ballots should be set aside right before the BEI and poll watchers. There's an envelope there and they can put the ballots inside while the machine is being repaired," paliwanag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.
Dagdag ni Brillantes na dapat ay tawagan ng BEI ang National Support Center ng Comelec upang makakuha ng tulong kung paano aayusin ang mga sira.