Parak, suspect sa panggagahasa sa 14-anyos na dalagita

MANILA, Philippines – Arestado ang isang pulis na naka-base sa lungsod ng Pasig matapos nitong manggahasa umano ng 14-anyos na dalagita sa loob ng presinto.

Inaresto ng mga tauhan ng Women and Children's Police Desk-Criminal Investigation and Detection Group si Police Officer 2 Ryan Concepcion nitong Biyernes, Mayo 3.

Nahaharap si Concepcion sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti Rape Law) at Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Nag-ugat ang pagdakip kay Concepcion matapos magreklamo ang 14-anyos na dalagita mula Santolan, sa lungsod ng Pasig, na pinagsamantalahan siya ni Concepcion noong Mayo 2 bandang alas-3 ng hapon sa loob ng Police Community Precinct 24.

Bukod sa kasong kriminal, nahaharap din si Concepcion, na nakakulong ngayon sa CIDG jail facility, sa kasong administratibo.

Show comments