Suspek na tulak patay sa mga pulis sa Caloocan

MANILA, Philippines – Utas sa mga pulis ang isang hinihinalang tulak ng droga sa lungsod ng Caloocan ngayong Martes ng umaga.

Pinangalanan ni Chief Inspector Romero Ricalde Jr. ng Northern Police District ang nasawing suspek na si Michael Ignacio.

Sinabi ni Ricalde na ihahayin ng mga pulis ang arrest warrant para kay Ignacio sa area ng Dagat-Dagatan nang magpaputok ito.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek, dagdag ni Ricalde.

Isa si Ignacio sa mga most wanted sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) dahil sa pagtutulak ng droga at pagnanakaw.

Nabawi mula sa nasawing suspek ang .45 pistola, isang .38 rebolber at isang granada.

Show comments