Bahay ng alkalde sa Pangasinan pinasabugan ng granada

MANILA, Philippines - Hinagisan ng granada ang bahay ng alkalde ng Bugallon, Pangasinan nitong madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa lokal na pulisya, bandang 1:35 ng madaling araw nang ihagis ng hind pa kilalang mga lalaki ang granada sa bahay ni Mayor Rodrigo Orduna. Tumama at sumabog ang granada sa pintuan sa harap ng bahay ng alkalde.

Tulog ang buong pamilya ni Orduna nang maganap ang pagsabog. Wala namang nasugatan dahil sa pagsabog.

Ayon kay Senior Superintendent Marlou Chan, direktor ng Pangasinan Police Provincial Office, nakakuha ang mga crime scene investigators ng mga bahagi ng granada kabilang ang pin at lever nito.

Hinihinala ng pulisya na may kinalaman sa politika ang pag-atake.

Show comments