MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa isang video na nagpapakita ng pagmamalupit ng tatlong pulis sa isang sibilyan na ngayon ay kalat na kalat na sa internet.
Sinabi ni Chief Superintendent Generoso Cerbo, tagapagsalita ng PNP, ngayong Lunes na iniimbistigahan na ang tatlong pulis na nakatalaga sa bayan ng Paniqui sa Tarlac na umano'y sangkot sa nakuhanang pambubugbog.
Sa kumakalat na video na naka-post sa Facebook, kitang kita na nakikipagtalo ang isang lalaki sa hindi pa nakikilalang pulis bago siya kinorner ng dalawa pang alagad ng batas.
Pinagtulungan ng taltong pulis ang sibilyan na kahit nakahandusay na sa kalsada ay patuloy pa ring binabatanan ng mga alagad ng batas.
Umabot na sa 7,150 shares ang video sa social networking site na umani ng batikos mula sa netizens.