2 kasambahay huli sa pagnanakaw ng P1.3 M alahas

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang kasambahay ngayong Biyernes matapos makutsabahan sa pagnanakaw ng P1.3 milyong halaga ng mga alahas mula sa isang matandang babae sa Marikina City.

Huli sina Roijean Ullurata at Gelyn Perido matapos ireklamong ni Rosario Lagdameo, 61, ng Barangay Nangka.

Ayon kay Lagdameo, napansin niyang nagti-text si Ullurata kay Perido matapos niyang madiskubre na nawawala ang kanyang mga alahas.

Si Ullurata ay namamasukan kay Lagdameo habang si Perido ay kasambahan naman sa bahay ng anak ng matanda at nakatira sa katabing bahay lamang.

Habang nasa ilalim ng pagtatanong, umamin si Perido na siya ang nagnakaw ng mga alahas. Itinuro rin niya ang pinagbaunan ng mga alahas sa hardin ni Lagdameo.

Show comments