MANILA, Philippines – Isang tatakbong alkalde ng lungsod ng Baguio ang nagsampa ng kaso kontra sa kasalukuyang alkalde na si Mauricio Domogan sa Ombudsman hingil sa pagtatayo ng umano’y “overpriced†na Christmas tree sa siyudad.
Kaagad sumagot si Domogan at pinabulaanan ang mga akusasyon ni Peter Puzon at sinabing malisosyo ito at isa itong panghaharas.
Nag ugat ang pagsasampa ng kaso ni Puzon dahil sa umano’y “overpriced†na Christmas Tree sa taas ng Session Road.
Hindi ito ang unang beses na naghayin ng reklamo si Puzon kay Domogan at ngayon ay hiniling niya sa Ombudsman na suspendihin ang alkalde at sinabing huwag munang tatanggalin ang 20 talampakan na man-made Christmas tree upang mag silbing ebidensya.
Nakasaad sa reklamo ni Puzon na idineklara ni Domogan na P600,000 ang ginastos nito sa paggawa ng Christmas tree at kinwestyon din ng tumatakbong alkalde ang sobrang mahal na presyo sa paggamit ng green plastic netting, steel pipes, at artificial wreath cord.
Kailangan imbestigahan ng Ombudsman ang umano’y paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act, sabi ni Puzon upang malaman ang katotohanan sa maling paggamit ng pera ng publiko.
Nahaharap din sa isang reklamo sa Ombudsman si Domogan na isinampa ng isang trade fair organizer.
Dalawang reklamo naman ang inihayin laban sakanya ng anti-corruption group sa lungsod dahil sa umano’y pasugalan na pinalusot ni Domogan.
Pinakahuli ang reklamo din sa Ombudsman dahil sa overpriced na Environmental Recycling Facility sa Irisan dumpsite.
Ipinagtanggol ni Domogan ang kanyang sarili at sinabing tanging pagpirma lamang sa papeles ang kanyang ginawa matapos manalo ang isang bidder sa proyektong Christmas tree.
Aniya, ibinaba ang halaga ng Christmas tree sa P520,000 at kasama na raw dito ang dekorasyon sa Central Business District. Hinamon din niya ang mga kritiko na tignan ang mga opisyal na papeles upang mapatunayan ang akusasyon.
Sumagot naman si Puzon at inihayag na sinasabi ng mga opisyal sa City Hall na wala sakanila ang mga papeles nang hingin niya ito.