Tricycle driver patay, 3 sugatan sa granada

 

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver at tatlo pang katao ang sugatan sa pagsabog ng isang granada sa Cotabato City nitong Linggo ng gabi.

Patay si Al-Masri Amirul, 18, dahil sa mga tinamong shrapnel wounds sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sugatan naman sa pagsabog sina Albert Villarete, 39; Reynaldo Tagayan, 42; at Legaspi Banguis, 56.

Base sa pagsisiyasat ng lokal na pulisya, nakaistambay ang mga biktima sa isang kalsada sa Barangay Rosary Heights 6 nang hagisan sila ng isang Mark 2 fragmentation grenade ng isang lalaking nakaangkas sa isang motorsiklo.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, sumigaw pa ng "Happy New Year!" ang salarin bago ihagis ang granada.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na insidente.

Show comments