MANILA, Philippines - May dala-dalang kabaong ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang magprotesta sila sa opisina ng ahensya Lunes ng umaga.
Gustong ipakita ng mga miyembro ng Kapisanan Para sa Kagalingan ng mga tauhan ng MMDA (KKK-MMDA) ang kanilang pagluluksa dahil sa hindi maibigay na mga insentibo kabilang ang hazard pay noong nakaraang taon.
Sa isang ulat sa radyo, sinubukang pumasok ng mga nagpuprotestang tauhan ng ahensya ang opisina sa Baranggay Orense, Makati city, ngunit bigo silang makalapit nang harangin sila ng mga tauhan din ng MMDA.
Umiwas naman magbigay ng komento ang tagapangulo ng ahensya na si Francis Tolentino tungkol sa reklamo ng KKK-MMDA, pero nagsabing kakausapin ang mga finance officer upang maipamahagi na ang mga Christmas bonus ng mga empleyado.