MANILA, Philippines - Muling nanawagan ang mga migrant workers sa administrasyong Aquino na bumuo ng isang grupo ng mga de-kalibreng diplomatiko na titingin sa kaso ng mga Pinoy na nasa death row sa Middle East.
Kinatok ulit ng Migrante-Middle East ang gobyerno matapos marinig ang balitang apat-na-buwang palugit na ibinigay ng mga awtoridad ng Saudi Arabia kay Joselito Zapanta, overseas Filipino worker (OFW) na nahaharap sa bitay.
"The suspension will certainly bring ease to the worried Zapanta family...This will give the Philippine government the time to realize the need to intensify its efforts to save the life of not only Zapanta but as well as the other OFWs in Saudi death row," pahayag ng grupo.
Sinabi ng grupo na may anim pang OFW ang nasa death row, habang ang iba ay naghihintay ng hatol ng korte.
Gusto ng Migrante-Middle East na ang bubuuing grupo ng mga diplomatiko ay dapat atasang magbabalangkas ng mga legal na aksyon at estratehiya upang maisalba ang buhay ng mga OFW. - Dennis Carcamo