Abogado utas sa pananambang sa Batangas

MANILA, Philippines - Utas ang isang abogado matapos tambangan sa harap ng kanyang bahay ngayong Miyerkules sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng mga pulis ang 53-anyos na biktima na si Sulficio Landico.

Ayon sa mga imbestigador, nakatayo si Landicho sa harap ng bahay nila sa Baranggay Poblacion nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo pasado 3:00 ng hapon.

Hindi agad matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salari gayundin ang motibo sa pamamaslang.

Show comments