MANILA, Philippines – Lima katao na ang nasasawi dahil sa low pressure area (LPA) na tumama sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules.
Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Javier, 17, ng Makilala, North Cotabato; Ronnie Cawangon, 36, ng San Francisco, Agusan del Sur at Mark Glenn Casher, 27, ng Rosario, Agusan del Sur.
Natagpuan Martes ng hapon ang katawan ni Javier na napabalitang nalunod at inanod matapos tumalon sa Palma river sa Baranggay Perez, M’lang, North Cotabato.
Nasawi rin sina Cawangon at Casher nang gumuho ang isang maliit na minahan sa Baranggay Alegria, San Francisco, Agusan del Sur noong Sabado.\
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng insidente, ngunit para kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos malamang na ang pagguho ng minahan ay dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa lugar.
Kinilala ang iba pang mga nasawi na sina Ruelyn Aling, 22, ng Sta. Cruz, Davao del Sur at Zosito Andamon, 28, ng Digos City, na kapwa nalunod dahil sa flashflood dala ng matinding pag-ulan noong Linggo ng gabi.
Ang ITCZ ay nakaapekto sa Visayas at Mindanao kabilang ang 33 baranggay.
Halos sa parte Maguindanao-Lanao del Sur area ang may pinakaraming naapektuahan na 22 baranggay, walo sa Zamboanga Sibugay, at talto sa Davao del Sur. Alexis Romero