Proseso ng pagpapatawad
Sino ba ang hindi nasaktan ng kahit na sino at one time o another. Minsan na trinatong masama na parang basahan na iniwang luhaan.
Ngunit hindi kailangan na habang buhay na magkimkim ng galit sa puso. Ang first step sa process ng forgiveness ay maging aware sa pain at kung paano ka naapektuhan nito. Hindi naman overnight na isang iglap ay nawawala na ang sakit, pero kung magko-commit sa gustong pagbabago ay hayaan na umusad ang lahat at i-let go ang nakalipas.
Kailangan na matutunan na magpatawad at mag-let go upang maka-move on at maging masaya muli sa buhay.
Magkaroon ng compassion sa taong naka-offend at nakasakit sa iyo kahit hindi madali. Ngunit kapag ginawa ito ay hinahayaan ang sarili na maging masaya at umusad ang buhay na makalaya sa galit at bitterness na kinikimkim sa puso at isipan.
Kahit paulit-ulit na nasasaktan ay pareho pa rin ang susi sa cycle ng buhay na magpatawad. Hayaan na maging happy muli ang sarili dahil ito ang deserve mo. Higit pa sa pagpapatawad sa ibang tao, i-wish din silang maging masaya para mabigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay rin.
- Latest