Gatas pampaputi ng cauliflower
Napapansin mo ba kung bakit hitsurang buhay na buhay ang mga gulay sa restaurants? Gusto n’yo rin ba itong gawin kapag may handaan sa inyong mga tahanan? Puwes, narito ang ilang sikreto para mapanatali ang matingkad at magandang kulay ng mga gulay kahit luto na.
Kung mag-gigisa ng mga green leafy vegetables, maghalo lang ng turmeric powder sa mantika bago ilagay ang gulay. Kahit matapos maluto ang mga ito, magiging matingkad ang kulay ng gulay at mukha pang fresh na fresh.
‘Pag maglalaga naman ng green peas, maglagay lang ng tig-isang kutsaritang asin at asukal sa pinakukuluang tubig bago ilagay ang mga ito. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang pagka-green ng green peas.
Para naman mapanatiling green ang wansoy at kinchay sa ref, balutin ito ng cheesecloth at tiyak na tatagal ang buhay nito sa inyong refrigerator.
Eh ang cauliflower gusto n’yong maging maputi? Simple lang, maglagay ng 4 na kutsarang gatas sa tubig na may asin bago ito pakuluan. Mapapanatili nito ang pagiging maputi ng cauliflower. Oh hayan, enjoy sa mga bagong tips sa pagluluto! Burp!
- Latest