^

Police Metro

Manual recount hirit ng PDP-Laban sa SC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihain kahapon umaga ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa Korte Suprema ang isang petisyon kung saan humihirit sila sa Commission on Elections ng manual recount para sa mga boto sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni PDP-Laban legal counsel Atty. Israelito Torreon na isang Motion For Leave To File Supplemental Petition for Mandamus ang inihain niya sa Korte Suprema.

Kasama ni Torreon sa paghahain ng petisyon ang singer-lawyer na si Jimmy Bondoc, na kabilang sa natalo noong 2025 senatorial polls.

Matatandaang noong Inpedence Day event sa Kuala, Lumpur, Malaysia, sinabi ni Vice Pre­sident Sara Duterte na may nakausap siyang IT experts na nagsabing imposible ang mga lumabas na bilang ng resulta sa halalan.

Kinuwestiyon ni Duterte kung paano ginawa ang counting process, na dapat ay tatlo pang PDP-Laban bets ang nanalo,

Kabilang sa nagwagi sa kanilang kampo sina reelectionists Christopher “Bong” Go at at Ronald “Bato” Dela Rosa at ang iniendorso nila na si House member na si Rodante Marcoleta.

PDP-LABAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with