Super food na avocado
Ang avocado ay isa sa pinagkakaguluhang prutas sa social media. Itinuturing ito ngayong “Americans favorite food” dahil sa pambihira nitong taglay.
Bukod pa sa mga napag-aralang nakamamanghang benepisyo ng abokado ay idadagdag pa na mayaman ito sa antioxidants caretoids lutein at zeaxanthin na kilala rin sa tawag na macular carotenoids bilang natural sunscreen na mahalagang role para sa healthy eye, vision function, at performance ng mga mata.
Champion din ang abokado upang pagandahin ang kondisyon ng brain. Ang healthy fats at antioxidant ay mga key ingredients para sa healthy brain na mayroong siksik na content ang abokado. Dagdagan pa ng ilang B vitamin at folate na crucial sa mood at health ng brain.
Sagot din ang avocado pagdating sa healthy aging. Kung paano ang antioxidants ang name of the game para sa overall health at healthy aging dagdagan pa ng mighty lutein, zeaxathin, carotenoids lycopene, beta-carotene, vitamin C at E na kabilang sa powerful na antioxidant at panlaban sa free radical na loaded ang avocado. Ito ay pinatunayan ng mga regular na kumain ng avocado na kasama sa kanilang meal ang prutas bilang anti-aging diet. Pinatunayan sa research, ang pagkunsumo ng avocado ay inuugnay sa mas mainam sa quality ng diet. Hindi lamang pang partner sa ibang gulay gaya ng kamatis, kundi ang avocado ay 15 beses na mas nag-a-absorb ng health-boosting antioxidants.
Ang good news din sa lahat na ang avocado ay maganda rin sa sexual health ng indibidwal.
Ang pagkain ng maraming healthy fats ay mabisa para sa reproductive hormones. Noon pa man ang avocado ay kabilang sa top lists bilang aphrodisiac na bahagi ng ancient Aztecs, na ipinangalan sa fruit ahuacate, ang Aztecs word para sa testicle na sa pagkain ng avocado ay pangpagana rin sa sexual life ng marami.
Ang lahat ng mga benepisyong nabanggit ay puwedeng ma-enjoy sa pagkain ng masarap na superfood na avocado.
- Latest