Seryosong kasalan sa Congo
Ang kasalan ay dapat puno ng kasiyahan at selebrasyon. Upang ipagdiwang ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan.
Pero kakaiba ang practice sa bansang Congo. Hindi puwedeng tumawa o ngumiti ang bride at groom sa harap ng altar.
Tinitingnan ang kanilang galaw at expression ng mukha. Hindi pinapayagan na sila ay mag-smile sa buong seremonyas ng kasalan. Kahit hanggang sa reception pa. Kahit din tapos na ang palitan ng kanilang vows at iprinesinta na sila bilang husband at wife.
Ang couple ay mahigit na pinagbabawalan na ngumiti hindi dahil sa ‘di sila nagsasaya. Kundi kapag sila ay nakitaan na ngumiti o tumawa, ibig sabihin sa kanilang kultura na pareho silang ‘di seryoso sa kanilang marriage.
- Latest