Benepisyo ng positive thinking
Ang positive thinking o pagkakaroon ng optimistic attitude na sa pag-practice ng pagpokus sa magagandang bagay kahit sa anong sitwasyon ay mayroong malaking impact sa physical at mental health.
Hindi naman ibig sabihin ay babalewalain na ang problema. Ang simpleng pagtingin sa buhay kahit mahirap ay makatutulong na gumaan ang sitwasyon.
Sa pag-aaral, ang role ng optimism at positive thinking sa physical at mental health ay maraming benepisyo.
Pagdating sa physical na pakinabang gaya ng mas humahaba ang buhay. Mababa ang tsansa na magkaroon ng heart attack. Mas gumaganda ang pangangatawan. Matibay ang panlaban sa sakit kahit ang ordinaryong sipon o ubo. Bumababa ang blood pressure. May mas magandang stress management. Mas malakas ang pain tolerance.
Samantalang sa mental health ay mas nagiging creative. Mas magaling sa problem-solving skill. Malinaw ang pag-iisip. Mas maganda ang mood. Magaling ang coping skills. Mas less ang depression.
- Latest