Pagkontrol ng Blood Pressure
Ang high blood ay isa sa kontrobersyal na topic na madalas ay pinapayuhan na bawasan ang salt intake.
Sa pag-aaral, hindi lamang ang pagbabawas ng sodium ang importanteng bantayan sa blood pressure. Sa katunayan kapag sobrang baba naman ng salt ay masama rin sa kalusugan.
Dapat tingnan din ang coffee at alcohol intake na nakasasama rin sa blood pressure. Maging ang pagkain ng mga mamantika.
Ang blood pressure ay madalas kasabay ng pagtaas din ng timbang. Kapag overweight ay naaapektuhan ang paghinga habang natutulog na pagsipa rin ng blood pressure.
Ang pagbabawas ng timbang ang isa sa epektibong pagbabagong buhay para makontrol ang blood pressure. Ang pagbawas ng konting weight kung overweight o obese ay makatutulong na bumaba rin ang blood pressure.
Kaya bantayan ang waistline na senyales din ng malaking panganib sa pagkakaroon ng high blood pressure.
- Latest